Ang Karapatan ng Kabataan sa Islam

Karamihan sa mga bansa bago pa ang Islam, ay mayroon malaking pag-tatalo tungkol sa maling pakikitungo sa mga kabataan, ang pinakamasama dito ay ang pagpatay sa mga bata; ang pagpatay sa mga musmos pagkatapos nitong ipanganak. Ang kaugaliang ito ay dahilan sa pagkatakot sa kahirapan, pag-aalay sa mga dios-diosan, o kaya’y pag-ingatang mapahiya sa lipunan kapag nanganak ng babaeng bata.

Ang Qur`an ay hindi tinatanggap ang lahat ng hindi maka-taong pang-aapi at pinagkalooban ang mga kabataan ng maraming karapatan; karapatan na sila ay bigyan ng pagkain, damit at proteksiyon, ang karapatan na madama ang kagandahan ng pagibig at mahalin ng kanilang magulang, ang karapatan ng pantay-pantay na pag-aaruga sa pagitan ng mga anak, ang karapatan na magkaroon ng edukasyon at ang karapatan ng lubos na pagmamahal.

Ipahayag, “Halina na kayo, Aking bibigkasin kung ano ang ipinagbabawal sa inyo ng inyong Panginoon. [Iniatas Niya] na kayo ay huwag maglalagay ng katambal Niya, at para sa mga magulang, mabuting pag-aaruga, at huwag ninyong papatayin ang inyong mga anak dahilan sa kahirapan; Kami ang magkakaloob sa inyo at sa kanila…” (Qur`an 6:151)

Sa karagdagan pa, ang isip ng bata ay kinakailangang hubugin, at ang pag-papaaral ay kinakailangan sa bahaging ito. Ang puso ng isang bata ay kinakailangan punuin ng pananampalataya, ang isip ng bata ay maaliw sa tamang patnubay, kaalaman at katalinuhan, at moral at mabuting asal, ito’y kalakip sa paglaki ng bata.

“ Matakot sa Allah at pakisamahan ang inyong mga anak [ maliit man o malaki na] na pantay-pantay [sa katarungan].”(Al-Bukhari at Muslim)

Ang Karapatang Pantao sa Islam at ang Minoryang Lahi

Ang Islam a donné à l’humanité un ay nagkakaloob sa sankatauhan ng isang huwarang panuntunan tungkol sa karapatang pantao 14 na siglo na ang nakakaraan. Ang karapatang ito ay naghahangad na maipagkaloob ang karangalan at dangal sa sankatauhan at upang alisin ang pagsasamantala, panunupil at walang katarungan. Ito’y maikling ipinahayag sa Huling Pangangaral ng Propeta Muhammad, na itinuturing na kauna-unahang pinahayag sa karapatang pantao. Ang karapatang ito ay umiiral na sa lahat ng mga mamamayan, Muslim at hindi Muslim, sa kalalakihan at kababaihan, namumuhay na payapa o nasa panahon ng digmaan; ang kanilang karapatan ay ipinangako ng Allah.

“…ang lahat ng sankatauhan ay nagmula kay Adan at kay Eva, ang isang Arabo ay hindi higit kaysa sa isang hindi-Arabo o kaya’y ang hindi Arabo ay hindi higit kaysa sa Arabo; gayundin, ang isang maputi ay hindi higit kaysa sa maitim, o kaya’y ang maitim ay hindi higit kaysa sa maputi, ngunit nakahihigit ang may kabanalan at mabuting gawa.” (Hinango sa Huling Pangangaral)

Ang karapatang pantao sa Islam ay matatag na nakaugat sa pananampalataya sa Allah, at ang Allah lamang ang Tagapagbigay ng Kautusan at ang pinagmumulan ng lahat ng karapatang pantao. Dahil sa ang pinagmulan nito ay banal, walang sinuman na namumuno, pamahalaan, kalipunan o nasa kapangyarihan ang maaaring magbawas o lumabag kahit ano ang dahilan sa karapatang pantao na ipinagkaloob ng Allah, o kaya’y ito’y pawalang bisa.

Ang karapatang ito ay mapapatunayan din sa mga hindi Muslims na naninirahan sa lipunan ng Muslim. Ang Propeta Muhammad ay nakaugalian niyang dalawin ang may sakit sa Al-Madina; ang mga Judio at gayon din ang mga Muslim. Nang may dumaan sa paglibing ng isang Judio at napadaan sa Propeta, siya ay tumayo at nagbigay galang. Sa ospital ay tinatanggap at ginagamot ang tao ano pa man ang kanilang relihiyon o lahi. Sa antas ng pamahalaan, mga Cristiano at Judio ay umabot sa magandang posisyon ng panunungkulan. Ang mga Cristiano o Judio ay tinatanggap sa mga paaralan ng Muslim, kolihiyo at mga unibersidad at binibigyan ng tirahan na ang nagtutustos ay ang Estado. Sa panahon ng inkisisyon ng Kastila ang mga bansang Muslim ay naging kanlungan ng mga Judio, katulad ng mga Muslim na tumatakas sa pag-uusig ng mga Kastila, matapos mamuhay na masagana at mapayapa sa Muslim ng Espanya sa loob ng 700 taon.

“Sinuman ang kumitil ng walang malay na kaluluwa, bagaman wala siyang pininsalang buhay o naghasik ng kasiraan sa lipunan, ay tulad na rin na kaniyang piñatay ang buong sankatauhan; at ang sinuman na magligtas ng isang walang malay na kaluluwa ay tulad na rin na iniligtas niya ang buong sankatauhan. (Qur`an 5:32)