ANG SINING SA ISLAM

“ Ang Maykapal ay Maganda at mahal niya ang Kagandahan”:

Ito ang winika ng Propetang si Muhammad mahigit 1400 taon na ang nakararaan. Winika pa rin niya:
“ Mahal ng Maykapal kung kayo ay gagawa ng anomang bagay ay gawin nyo ito na may kahusayan.” (Iniulat ni Muslim)

Ang ganitong mga kawikaan ng Propeta ay nagtutulak sa Muslim na magpaganda at mag-gayak sa kanilang bahay sambahan, mga tahanan at mga Kasangkapan. Ang Arkitektura sa Islam at sining sa pagpapalamuti ay nananatili pa ring buhay at pinahahalagahan sa maraming pook ng mga bansang Muslim.

Naniniwala ang mga Muslim sa pantay at pagkakaisa sa lahat ng bagay na umiiral. Walang anomang bagay na lumitaw nang gayon na lamang at nagkataon lamang, sapagkat ang lahat ay bahagi nito ay kabilang sa layunin ng Lubos na Pinakamatalino, Lubos na Maawaing Tagapaglikha.

Ilan sa Mahahalaga sa Sining ng Islam ay ang sumusunod:

KALIGRAPIYA

Dahilan sa ang mga Muslim ay may malalim na paggalang at pagmamahal sa Qur`an, ang sining ng kaligrapiya ay nabuo na mas maaga at nakarating sa mataas na antas. Sa buong bansa ng Muslim , ang mga talata sa Qur`an ay napapalamuti sa mga mosque, palasyo, tahanan, mga pangangalakal, at iba pang-publikong dako. Malimit na ang Kaligrapiya ay ginagawa sa magkakaugnay sa palamuti ng pagpapaganda, na kaakit-akit na nagsasamasama kung ano ang higit na makababanal at mahalaga.

Mahigit isang siglo, maraming sulat kamay ang nakabalangkas sa iba’tibang rehiyon ng mga bansang Muslim. Ang pinakamahalagang istelo ng Kaligrapiya ay ang sumusunod:

KUFIC
Ang Kufic ay mahigit o kumulang na isang parisukat at panulukang sulat kamay, makikilala ito sa kaniyang malaki, makapal at heometrikong istelo. Ang kaniyang mga titik sa pangkalahatan ay makapal at ito ay nababagay na iukit sa bato o kaya’y metal, sa pagpipinta o pag-uukit ng inskripsiyon sa mga dingding ng mosque, at para sa pantitik ng barya.

NASKH
Ang Naskh marahil ang pinakakilalang sulat kamay sa daigdig ng mga Arabo. Ito ay magkakadugtong na sulat kamay na nababatay sa tiyak nitong panuntunan na kasukat sa pagitan ng mga titik. Ang Naskh ay malinaw na mababasa at maliwanag at ito’y tinanggap bilang angkop na istelo para sa uri ng titik at pagpapalimbag. Ito’y umiikot sa napakaraming istelo at uri, kabilang dito ang ‘Ta’liq, ang Riqa, at ang Diwani, at dito nagmula ang makabagong paraan ng pagsulat ng Arabiko.

THULUTH
Ito ang pinakamahalaga sa lahat ng mapalamuting sulat kamay at ibinibilang na naghahari sa lahat ng istelo. Malimit itong gamitin sa Paunang Sulat, pang-relihiyong inskripsiyon, makaharing titulo at mga pagsipi.

TA’LIQ
Ito ay inilaan higit sa lahat upang matugunan ang pangangailangan ng wika ng mga taga Persya at nananatiling ginagamit ng karamihan sa Iran, Afghanistan at sa kalapit na bansa sa India. Ang Ta’liq ay isang lusaw at magilas na sulat kamay.

ANG DIWANI
Ito ay mas pahabang sulat at mataas ang pagkakagawa na ang kaniyang mga titik ay hindi maayos ang pagkakadugtongdugtong at walang pananda ng patinig. Ito ay pinalawak sa panahon ng panunungkulan ng naunang Ottomang Turko (sa ika-16 na siglo hanggang bago pa sa ika-17 siglo).

May iba pang hindi masyadong kilalang uri ng kaligrapiya, ngunit hindi nangangahulugan na ito’y hindi maganda, tulad halimbawa ng Riq’a, Muhaqqaq, Rayhani, Ijaza at Moroccan.

ANG ARKITEKTURA SA ISLAM

Ang arkitektura sa buong kasaysayan ng mga bansang Islam ay pinalakas ng pang-Espirituwal na haligi, ang Qur`an.

Ang mga bayan sa lungsod ng Islam ay nananatili sa loob ng mahabang panahon, na narito ang angkan ng mga mahuhusay na manggagawa, na ang kanilang karanasan ay nagpadagdag sa sari-sari ng kapaligiran.

Ang tradisyonal na lungsod ay nag-uugnay sa arkitektura ng madrassa (Paaralang Islam), ang souq (pamilihan), ang palasyo at ang tahanan kasama ang mga sentro ng mosque, upang makalikha ng magagandang tanawin sa labas ng bayan.

Ang mga mosque at mga palasyo sa mga dumating na panahon ay higit pang pinabuti ang mga palamuti at disenyo. Malaki ang ipinagbago ng arkitektura, mula sa konsepto ng kupola na nagbibigay ng maluwag na bahagi ng pinag-darasalan, sa mga inskripsiyon sa loob ng mosque, upang luwalhatiin ang Allah.

Ang isa sa pangkaraniwang paksa ay ang lubos na hindi pagpapahintulot sa anyo ng tao at hayop sa larangan ng arkitektura. Makikita mo ang pagpapaganda na naka-sentro sa mga salita, teksto at pagsulat, na nagpupuri sa Allah sa pamamagitan ng paggamit ng kaligrapiya.

Ang isa sa kaugalian ng Islamikong bahay ay may kanya itong katangian, katulad halimbawa ng patyo ng bahay ay nakatago upang mabigyan ng proteksiyon ang buhay ng mag-anak sa mga tao mula sa labas at malupit na kapaligiran. Makikita mo ang labas ng bahay ay patag at ito ay nakatuon sa loob ng bahay. Sa paglipas ng panahon, ang bahay ay pinapalawak upang magkasama-sama dahilan sa paglaki ng sangbahayan, malimit na hiwalay ang mga bahay na itinatayo sa loob ng bakuran para sa karagdagang mag-anak.

ANG PALAMUTING SALAMIN SA ISLAM

Ang naunang ulat tungkol sa paggamit ng palamuting salamin para sa pagpapaganda ng mga gusali ay noong ika -7 siglo sa Ehipto. Sa karagdagan pa, ang makabagong pagkakatuklas sa larangan ng arkeolohiya ay nag-uugnay sa pangangalakal ng palamuting salamin mula sa Ehipto patungong Vietnam sa loob ng ika-9 na siglo. Gayon pa man, sa Europa, natagpuan natin ang sining ng palamuting salamin na umaabot ang taas nito hanggang 1150 at 1500, nang ginawa ang napakalaking bintana para sa napakalaking mga Katedral.

Ang ilan sa nakakahikayat na palamuting salamin ay nakasentro sa sa paligid ng hugis heometriko, ng kaligrapiya at ang mabulaklak na paksa ay mayaman na matatagpuan sa pook ng Ottoman. Sinumang tagapagdisenyo ay nagnanais sa patakaran ng klasikang pagkakatugma, pagkakapareho at kagandahan sa pamamagitan ng pagaayos at pagbabago sa harapan ng salamin, maliwanag na pagpipinta upang mahayag ang mga kailaliman sa panuntunan at pagpapalamuti.

Ang mga halimabawa nito ay makikita sa malaki at maliit, mula sa pagpapaganda ng malalaking mosque katulad ng nilikha noong Ottoman na arkitektong si Mimar Sinan sa iba’t-ibang bahagi ng bansang Muslim, hanggang sa ilawan ng kalsada na nagbibigay liwanag sa mga bayan ng Muslim maraming daang taon na ang nakalipas.

ANG ARABESQUE

Ang Arabesque ay isang pinabuting pagsasagawa ng kaligrapiya o kaya’y ang paulit-ulit na hugis ng heometriko na malimit ito’y nagiging alingawngaw ng mga anyo ng halaman at mga hayop. Ang Arabesque ay isang elemento sa Sining ng Islam na pangkaraniwang matatagpuan natin sa palamuti ng mga bintana at pintuan ng mosque, bahay, pamilihan at motel. Ang pagpili sa heometrikong anyo na siyang ginamit at papaano ito isinasaayos ay ibinatay sa kahusayan ng isang Muslim na artistiko at ang pananaw ng mundo. Ang sining ng Arabesque ay malimit na pinaghalong kaligrapiya.

Ang sining ng Arabesque ay malimit na ginagamit ang paulit-ulit na anyo ng heometriko, na sa loob nito ay may nakatagong kahulugan. Ang isa sa halimbawa nito ay ang payak na kudrado, na ito’y may apat na makakapantay na hugis sa bawat sulok, ang gumawa nito ay pinagsisikapang ipakilala ang simbolo ng pantay-pantay na kahalagahan ng mga elemento ng kalikasan; lupa, hangin, apoy at tubig. Ang paikot na hugis, ay naglalarawan ng walang-hanggan kaisahan ng tagapaglikha.